Advertise with Igorotage
Are you a brand or a politician looking to make an impact? Reach your target audience on Igorotage, the biggest online community in the Cordillera region. Advertise on this exclusive ad spot now.
Contact UsThe Baguio Teachers' Camp, sometimes referred as Teacher's Camp is an events venue and teachers' training center located along Leonard Wood Road in Baguio, Philippines. Designed as a vacation normal school, Teachers' Camp in Baguio City is where teachers from all over the Philippines attend special courses in education. It has its own athletic oval where national athletes who compete in Olympic events are trained.
Teachers' Camp first came into being as the vacation normal school in 1908. It was Governor William Pack who outlined a plan to set up a camp in Baguio to accommodate teachers. The plan was approved on January 8, 1908 and the camp was opened on April 6, 1908.
During the early days of its inception, only tents were set up to accommodate the classrooms, dining and storage facilities, and a kitchen. It was only a few years later when additional funds were allocated to construct a mess hall, a social center, and the access roads and pathways connecting the different buildings and facilities within the camp. The cottages for the secretary and under secretary of education as well as the camp director's cottage were constructed in 1912.
In the following years there were more appropriations alloted for the development of Teachers Camp which resulted in the construction of Benitez Hall, Ladies Hall, Teacher's Hall, Tavera Hall, and the White Hall.
During the pre-war years, the Philippine Military Academy occupied a large part of Teachers Camp. It was due to the projected increase in the strength of the Cadet Corps that the government was compelled to transfer the Academy out of Camp Henry Allen and temporarily occupy Teachers Camp on May 5, 1936.
On June 16, 1936, one hundred and twenty new cadets reported to the grounds of Teachers Camp to join the PMA Class of 1940. It was during the Academy's occupancy of Teachers Camp that General Luna Hall was built in 1937. The Academy has since moved to its own permanent site at Fort Del Pilar.
Teachers Camp now caters to conferences, meetings, seminars and social functions sponsored by the government sector. Some of its dormitories and cottages are also rented out to visitors coming up to Baguio but these are not available when the teachers are around for their summer courses.
On May 12, 2008, Teacher's Camp was declared as national heritage site. The facility is a marked structure according to a 2015 report.
Believers of the paranormal say the camp is haunted because it is claimed to be more than 100 years old.
25 Teachers' Camp real-life ghost stories
There are countless ghost stories surrounding Teacher's Camp as it used to be a battlefield for native warriors and tent-city during the American occupation.
The camp is said to be where the wandering souls of Baguio's restless dead reside, for some reason, unable to cross the afterlife in peace. A white lady and a headless priest have always been told about the place, as well as strange sounds like that of a crying lady and weird things happening inside the comfort room.
Fictional ghost stories are fun, but it's always more exciting hearing creepy ghost stories from real-life experiences, don't you think?
If you think you're tough enough or ghost stories are your cup of tea, keep on reading. But if you're a scaredy cat, close this page immediately and maybe go watch some videos of viral cats on YouTube to ease your mind.
1. Jhay Elle
Naalala ko nung nagstay kami dito during summer youth camp last April, 2008. Dumating kami sa Roxas Hall around 2am galing Manila. While waiting sa teacher namin na kumuha ng susi para sa mga magiging kwarto namin eh biglang tumunog yung lumang piano sa mismong gitna ng hallway.
Tapos yung alam mong walang tao sa labas ng room nyo pero lagi kang makakarinig ng mga naglalakad at kakatok sa pinto. Tapos pati sa bintana may kakatok eh nasa 2nd floor naman yung kwarto namin.
That was the creepiest things I have encountered in Teacher's Camp.
2. Margaretta Merez
Nung una ndi ako naniniwla sa mga naririnig ko about sa teachers camp na yn pero nung natry nmn mag stay jan nang mga kptid ko nung 2014 grbe dun ko lng napatunyn totoo yung mga kwento at mga sinsbi nang mga tao about jn yung tipong biglang bubukas yung shower tpz my kumakatok tpz my nkasilip sa bintana tpz sa hllway nun sa kasmaang palad inutusan akong kunin yung gmit na naiwan sa sasakyan mag isa ko lng mga 7pm na mahigt ata yun hbng ng lalakad ako sa hllway ang dilim dilim sa unang part nang hllwy tpz yung tipong prng my ksma ka na sumusunod sayo kht wla nmn tpz totoo dn yung my tumutugtog na lumang piano nkakatkot tpz yung mga bkntng bhai prng my mga ng sslita hbng dumadaan ka nkktakot at pinkanatok ako nung medyo mlpit na ko sa tinuluyan nmn ksi asa dulo hbng ng mmdli ako mglakad mdyo nbwasn takot ko nung malpit na ko ksi sa pinka dulo nang hllway my nkta na ko ilaw sa sa isng bhai tpz my mga tao na kya nwla na takot ko pero nung nalgpsn ko na yung bhai na yun lumingon ako ulit pra tignan sila pero pag lingon ko patay ang ilaw na at wla nang mga tao ndi nmn ako nmlikmata or ng iimagine nung dumaan ako pero nung paglingon ko as in nwla kya ng kkripas ako nang takbo papunta sa tinutuluyn nmn tpz prng ndi ako mkaalis prng hinihla ako pablik kya nung pag dtng ko sa tinutuluyn nmn kinwento ko sa kptd ko yung nang yri hbng umiiyak dhl sa tkot kya ayun ng pasya na kming humnp nang ibng pwde pgstyan
3. Hayrah Ramirez
That tym na nagstay kami sa teacher camp for preparation ng game namin international pencak silat .. Lahat kami ng teamate ko e maagang natutulog dahil maaga ang training kinabukasan . nagsing ako ng 12 o clock that nyt tas lumabas ako magisa ng kwarto may natanaw ako na babae akala ko ay isang kateamate ko na si ate pads . that days pabyhe byhe sya pa manila dahil nagaapply sya ng pagpupulis nakaputing babae mahaba bhok at akala ko sya lang hindi ko na ginambala ..
Dumiretso ako sa CR kase ihing ihi na ako at pagbalik ko nawala ang babae sa main door . biglang taas ng balahibo ko .. Pumasok nalang ako nakadama ako ng takot at nagtalukbong ng kumot pero Hindi agad ako nakatulog.
Kinabukasn ay tinanung ko si ate pads pero maaga dw syang natulog .. Natakot na ako pero ndi ko ja inopen sa kanla para ndi sila matakot ?? sumunod na gabi nakatulog ako sa sobrang pagod sa training. . mas nauna ako sa kanila .. Mga kateamate ko na nakapnsin ..nagsasalita dw ako ng hndi maintndhang salita at binabanggit pauli ulit ang pangalan na Elena ..
Kinabukasn tinanong nila ako kung may kakilala ba dw ako na elena dhil akala nla bago kong kakilala dun sa lugar .... Msydo dw kase ako friendly .... Nagtaka ako sabi ko wala tas .. Dun na ako lalo natakot baka sya yun babaeng nakita ko sa main door ng tinutuluyan namin... Nagpatuloy nalang akong magdasal at ng magdasal..
4. Bria Faye Hazel
Dito ako nagreview para sa NMAT review. Tanghali yun, maganda kasi yung view sa harap ng NEAP Bldg. doon, so I took a photo. Hindi ko na view yung photos that day, siguro after three days saka ko lang nakalkal yung phone ko, and there may Nakita ako sa isang photo na dalawang matanda na nakatayo sa bintana, kala ko parang wala lang, pero nung titignan ko ng close up meron talaga. From that day, I never took a photo again hanggang sa matapos yung review ko doon.
5. Wimpy Aquino
isa pa tong teachers camp na to grabe kababalaghan dinala samin ng mga kapatid ng ex ko. pagdating mg pagdating namin sa bhay na nirent namin sobrang creepy na plus yung mga kama pa akala mo nasa sinaunang panahon ka ? so ayun nga picture picture hanggang sa nakita namin na walang ulo yung anak ng kuya ng ex ko tengeneeee muntik kami mpabalik ng manila ??
6. Timothy John Vargas RN
Naalala ko pa nung hayskul fieldtrip namin jan nun sept 2007 sobrang nakakatakot n experience namin jan ng barkada, ung excited ako makita kung xan room ung mga babae tpos pagtingin ko sa labas ng tapat ng room namin may nkita ako nakawhite n babae tpos akala ko ksma namin kinawayan ko wlang reaksyon tpos tinanong ko s tour guide nmin kung san room ng girls, sa left side daw wlang tao s tapat namin room, boom, sabay kwentuhan ng nkakatkot then nung gabi hinihiwalay n si Rusell Nathaniel Mira sa bed nating pinagdikit2 tpos aun mas nakakatakot p rin pala ung nangyari sakin nun tinapat ako ng crush ko n hanggang friend lng daw tlga ako. Based from true story, kya ndi ko malimutan ang teachers camp DBA? Robert Bituin RN Ronald Dan Divina Bj Manalo Altez Jose Hector Vallesteros Amparo Jr. Wilson Estrada Kastler Walter Almeyda Ramos Allen Hubert Lim haha laftrip n lng this days..
7. Raymond Flores Jamon
Sobrang nakakatakot yung naexperience namin dito!! Anim sa mga kaklase ko nung college ang sinapian sa lugar na to.
Year 2008 yata yun nung field trip namin mga Civil Engineering students. Pagpasok pa lang ng lobby sobrang nakakapagtaka na dahil wala manlang ka-tao tao sa lugar. At pagkakita ko ng kwarto nakakakilabot na din agad dahil puro puting tela(bedsheet, pillow case, kurtina) as in iba yung pakiramdam sa kwarto.
Nung pumasok ako sa cr para maghilamos, nakaramdam ako ng kakaiba. Pakiramdam ko talaga may kasama ako. Kaya dali dali kong sinubukang buksan yung pinto ng cr para makalabas pero sa taranta ko na din siguro at basa yung kamay ko. Di ko mabuksan yung pinto kaya sumigaw nalang ako at kinalampag yung pinto kaya't napagbuksan ako ng mga kasama ko.
Bago matulog, dahil unang gabi namin sa baguio. Nagkayayaan ang mga tropa na mag-inuman. So ayun bumili sila ng alak sa labas. Sobrang saya namin at sobrang ingay! Limang kwarto yata yung na-occupy naming lahat. Halos kada kwarto may inuman. Pero yung sa kwarto namin yung pinakamadaming nagiinom. Habang nagiinuman, minsan nadayo pa kami sa ibang kwarto. At ganun din naman sila. Natapos ang inuman mga bandang 2:30am na siguro nun. At dun na nagsimula ang katatakutan..
Siguro ay 30mins pa lang kaming nakakatulog nun ng biglang mag kumakatok ng malakas sa pinto ng kwarto namin. Tila ba galit na galit! Pagbukas namin ng pinto ay kaklase pala namin at sinabing "grabe kayo! Nagkakagulo na kami wala manlang kayong pakelam!"
Nagulat kaming lahat sa kwarto kaya lumabas kami, pagpunta namin sa hallway, dun na namin narinig ang mga sigawan ng iba naming kaklase. Tila ba takot na takot!
Pagkasilip ko pa lang ng kwarto ay nakita ko na agad yung isa sa kaklase namin na nakahiga, naka-angat yung parteng dibdib nya sa kama! At nagsisisigaw! Paulit ulit nyang sinasabi, iba yung boses nya. Boses ng matandang lalaki "UMALIS KAYONGG LAHAT DITO! GINAGAMBALA NYO KAMI!" Sobrang lakas nya! Apat samin yung pumipigil sa kanya at yung iba naman ay nakamasid lang. Pagkatapos ng sampung minuto, nahimasmasan na din sya.
Kaya't apat nalang kaming naiwan sa kwarto at yung iba ay nagrosary na lamang sa lobby. Habang nasa kwarto kami, pinainom namin sya ng tubig para marelax. Subalit pagkatapos nya uminom ng tubig ay bigla yung syang nagpumiglas. Hinawakan ulit namin sya. Tig -iisa sa kamay at paa. Nagulat kami ng bigla sya tumawa! At nagsalita "kawawa naman ang kaibigan nyo, sinasaktan nyo sya" Habang nangyayari yun ang nagtawag ulit kami ng ibang kasamahan para tumulong. Maya maya pa, may isang grupo pa sa mga kaklase ko ang nalabas ng ibang kwarto, binubuhat nila yung isang classmate namin na babae. Sinasapian din! Nangangagat daw at nangangalmot! Mas brutal yung sumapi dun sa babae! Sobrang nagkakagulo na kami nun!
Sumali ako dun sa mga nagrorosary sa lobby. Habang nagrorosary kami yung si jobert( yung pinakamalaki samin) ay bigla nalang sinabing nanlalambot daw sya. Tapos ayun bigla nalang din nagkikisay at himiga sa sahig. Pero saglit lang sya sinapian, nung nahimasmasan na sya. Sinabi nya samin na ang gugulo daw kasi namin kaya nagagalit yung mga multo.
Habang tuloy padin yung rosary sa lobby, may tinatawag yung sinasapian namin kaklase sa kwarto. Tinatawag nya si braña. Paulit ulit yung sigaw nya. "Braña! Braña! Pumunta ka dito!" Ayaw magpakita ni braña dun sa kwarto, pero pinilit namin sya. Pagkasilip nya sa kwarto bigla nagalit yung kaklase kong sinasapian at sinabing "Braña, wag mo sabihing hindi mo kami nakita!" Nagulat kami sa sinabi nya!
(Mamaya ko iexplain kung bakit sinabi nung multo yun)
Dahil sa sobrang galit nung mga multo sa teachers camp wala na kaming nagawa kundi magempake lahat at lumabas. Sa kalsada kami nagstay. Yung mga kaklase naming sinapian nakahiga lang sa kalsada nng biglang umupo yung isa ng parang bata at biglang kumanta ng boses bata! Grabe sobrang kinilabutan ako nun!
Maya maya pa, yung isang kaklase ko ay bigla nalang nakatulala habang nakatingin sa teachers camp. Tulungan daw namin sya. Tinanong namin kung bakit.
Habang nakatingin sya sa teachers camp, may naglalakad daw papalapit samin. Nakaputing babae, na may bitbit na aso. Pero wala naman kaming nakikita. Habang natagal ay napapaluha na sya dahil papalapit daw ng papalapit.
Pumunta kami dun sa malapit na building sa teachers camp, may nakita kaming guard. Kinwento namin yung nangyari. Ang nasabi lang nya. "Sino ba naman ang hindi magagalit sa inyo? Madaling araw na sobrang iingay nyo pa!" Parang normal lang sa kanila yung nangyari samin.
Wala kaming choice kung umalis ulit at nakahanap naman kami ng police station at dun na kami nagpaumaga. Wala kaming tulog lahat.
Kinabukasan na din yun, umuwi na din kami sa manila. Wala na ding gana lahat. Yung mga sinapian samin mga tulala nalang at wala din gana.
Nung nasa manila na kami, dun nalang namin nalaman na pagbaba pa lang daw namin ng bus nakita na ni Braña yung isang pamilya (ng multo) sa labas ng teachers camp na tila ba nagwelcome samin. Ang kinakagalit pala nung mga multo ay hindi manlang daw nagbigay ng warning samin si Braña kung kaya't nagambala pa sila sa ingay namin.
After 2 days yata nung mangyari yun nagmessage saming lahat ung teacher namin. Wala daw munang klase dahil may kailangan pagusapan. Nagbigay sila ng lugar na meeting place. Sa vito cruz. Pagkadating ko dun, nakwento ng mga kaklase ko na yung babae naming kaklase na sinapian ay nagbalak daw magsimba kasama yung pamilya nya pero bago pag makapasok ng simbahan ay nagwala na yung babae atparang sinapian ulit. Yung isang kaklase naman namin lalakeng sinapian ay kasama namin. Pinunta namin sya sa albularyo. Dinasalan sya. Pagkalabas nya nung bahay ng albularyo ay bigla sya nahimatay. Sabi ng albularyo ay umalis na daw yung kaluluwa.
Kinabukasan, Kinwento ko lahat ng nangyari samin sa baguio sa bestfriend ko. 10:30pm siguro nung natapos ako magkwento at umuwi sa bahay.
Mga bandang 5am text sya ng text at may kailangan daw kaming pagusapan, kinutuban na ako nun na may kinalaman sa multo.
Pagdating ko sa kanila ng 7am nakita ko agad yung kapatid nya lng babae na may suot na rosary. Yung isang lalaki namin ay ang bungad sakin" grabe ka mon, nagdala ka pa dito" Gulat na gulat ako nun. Nakwento nila sakin na bandang 3am daw habang natutulog yung kapatid nyang babae ay biglang naalimpungatan at pagmulat ng mata nya ay may nakatingin sa kanyang babae at nakaputi. Ang iniisip nila ay isa dun sa mga nasa baguio yung multo. Kaya naman pagkauwi ko ay di talaga maalis sa isip ko na baka mamaya ay sumunod ulit pabalik sakin yung multo.
2months siguro akong paranoid nun. Pero buti na din nakarecover kaming lahat. Pasensya na mahaba yung kwento. Haha
8. JF Guarino
Nagstay kami dyan ng ex gf ko (now wife) in 2004, ginabi kami ng dating sa Baguio at puno na mga hotels at trancient houses kaya no choice kami na sa Teachers camp tumuloy. In the middle of the night around 12mn inapoy sya ng lagnat... wala akong mahingian ng gamot dahil halos tulog na lahat ng tao. Walang katao tao sa mga corridors.. wala akong choice kundi lumabas ng teacher's camp papuntang city. Ang pinaka nakakatakot at bravest part na ginawa ko sa buhay ko ay maglakad mula sa kwarto namin papuntang main road na halos kalahating kilometro ang layo sa gitna ng gabi.. tapos umaambon at malayo pa ang agwat ng mga ilaw sa daanan. Hindi ako lumingon sa mga gilid ko bka may makita akong kakaibang nilalang. Wala akong nasalubong o nakasabay ni-isang tao nung pumunta ako at pabalik na yun sana pag-asa ko na makisabay ng lakad. Isang daang beses ko ata nabigkas ang Psalm23 sa isip ko habang kumakaripas ng lakad. Sa awa ng Diyos hindi nya hinayaan ang mga kampon ng kadiliman na lapitan ako o magpakita man lang. Mag 2am nko nung nakabalik sa cottage. Yung buong gabi na iyon hindi ako nakatulog sa mga ingay ng lamok sa tainga ko Hahaha Fatima Guarino
9. Alaisa Olchondra
Kagagaling lang namin kahapon jan for Muay Thai competition. Malapit sa boxing hall chuchu (nakalimutan ko yung pangalan eh?) yung room namin. Para sa girls lang. Then, thursday ng gabe hindi talaga ako makatulog. Di ko alam kung bakit para kasing may something na ewan tapos kabado much ako as in! ? nakakatulog ako pero parang may gumigising saken. Dalawa'ng beses ako nagising. Una 11:50pm then 4:20am. Nung nagising ako ng 4 hindi nako natulog ulit, gising nadin kasi mga kasama ko. After namin kumain at maligo, nag gala kami kasama namin yung nasa kabilang kwarto, sina ate. Nagkwekwentuhan din sila about dun. Pare-parehas kami ng naramdaman nung gabi'ng yon. Sabe nila ate 12am daw may lumalakad daw sa kusina chineck daw nila wala naman daw. After daw nun may nagccr sa #2. Pero kaming lahat tulog nun at nasa kwarto. Kinatok daw nila ng kinatok. Di daw binubuksan para panga daw naliligo eh. Tas nilakasan daw ni ate yung katok di daw talaga nagbubukas kaya umalis nalang sya sa sobrang kaba naren siguro. Tapos yung isa naman player namin na lalake, wala kasi kami tubig so sa dorm lang nila may tubig, water dispenser. Around 7 or 8 yata yun kumuha sila kasama nya yung isang co-player niya. Dun kasi malapit sa oval yung room nila para sa lalake. Pagkatapos daw niya kumuha ng tubig, nakakita daw sya ng lalaking nakaupo sa may pangalawang gate nila. Yung sa main entrance. Nakaitim daw yun lalake. Sa sobrang takot nila binilisan nila yung takbo nila after nun gusto na tuloy niya samen matulog ? Luma nadin kasi yung mga room ng lalake don. As in, ang creepy nung unang pasok ko don. Tapos yung room namin malapit pa sa may bintana na may malaking puno ? yung feeling pa na parang lagi kang nilalagnat tuwing gabe ? last ko na yun don ayoko na hahahaha may times din na nawalan ng cp yung kapatid ko tapos after nun nasa ibabaw na ng kabilang kama eh di naman daw siya naglalagay don. Di ko na nga makita earphone ko dun kagabe nung pauwi na kami ?
10. CM Valdez
Naalala ko nung una kong punta dito una kasi pumunta ulit ako dito after a month anyway balik tayu sa kwento ko dito kami nag ye kung di niyo alam youth encounter bali nung 1st day namin gabi yun kumuha ako tubig sa ref nakita ko si teacher na nasa kusina naghuhugas ng pingan tapos nung sabi ko maam tulog na po ako. Di siya sumagot nung pagakyta ko nakita ko siya nagaayos ng damit niya sa cabinet. Bigla nawala pagkatulog ko kasi pagakakaalam ko nga di kami pinapatrabaho doon kahit gawaing bahay. Kasi may kasambahay. Tapos after a month nun bumalik ako nung natutulog ako sa kama biglang may narinig ako sa ilalim tinignan ko may babaeng nakaputi parang yung nasa ilalim din ng kama mo sige ayaw mo maniwala bakit di mo tignan.
11. Marynoelle Medina
Naalala ko nung nagstay kami din for a camp last January 2016.Pagkarating namin doon agad kaming umikot or namsyal then exact na place yun' nasa taas,(showed photo.) So tawa kami ng tawa habang nagku-kwentuhan then may biglang may kaluskos kaming narandaman then napatigil kaming lahat tapos pinaringgan namin ulit yun' kaluskos then parang may mga yapak kang maririnig na papalapit pero tiningnan namij yun' gilid pero kami lang naman yun' tao, tapos sa sobrang tajot nagtakbuhan kami ? Bumalik kami sa bawat hall then kinakabahan na kaming bumalik ulit doon.
12. Labszkie Berbo
Eto ung place n ayaw q ng blikan bka mamatay aq ng wla sa oras. Dto.nag stay kmi ddto dati kasama q barkada q non kc ponoan mashado ung mga hotels evn ung mga trancient house kaya no choice kmi nag sama2 kmi sa isang room lahat bli 6 kmi kc ayaw nlng matlog sa ibang room kasi nata2kot cla.then nong aftr nmin mag aus ng gmit nag aya aqng umikot sa place kc ang ganda nga and masyadong mtagl n ung place kya ngostohan then nong nag lalakd kmi sa corrdor domaan kmi sa isang parang confernce room shocks tlaga my nkita pa nmn aqng mga tao sa loob n nka kadina.d q nlng cnavi sa kasma q while nag la2kd kmi nong sa my hagnan n kmi my nkita nmn aqng mga madre at mga sundalo n wla ung ibNg parts ng katwn nla.kya nag psya aqng sbihin n bumlik kmi sa room kc d q n kay ung mga nki2ta q at d aq ntlog whole nyt and pag ka umga sabi q sa mga brkad q ung nkita q then agad2 kming omalis d n kmi bomalk nag hanap kmi ng ibang place.grv expirence q ddto.kya au q ng bomlk at matlog jan.
13. Febbie Mendoza Vergara
Elementary ako nung first time ko makarating jan. Educational trip yun ee. Nalaman kong dati palang tirahan yan ng mga NUN (madre) while walking at the corridor may nakasalubong akong isang madre tapos nag goodevening pa ako. Di ko nakita yung face nya pero binati ko parin sya. Then nung pumasok na ako sa room para mag shower I heared someone knocking at the door. So door mismo ng CR actually. Sabi ko wait lang kase baka isa yun sa mga room mate ko. Then after ko maligo tinawag ko yung room mate ko para sabihin na sya na gumamit ng CR. Only to find out that I am alone in my room. I scanned the room at ako lang yung tao. I ignore that scene baka guniguni ko lang yon. Pero nung nagbibihis nako I heared my classmate knocking outside the room telling me to open the door. Naka lock pala yung kwarto. Then that sent chills all over me. Sino yung kumatok sa banyo at nagtry mag open ng doorknob?
14. Novs Ellema
We stayed before sa Executive House sa Teachers Camp kami kasi yung Organizer ng Yes-O Youth Camp S.Y. 2012-2013 yun, marami kmi sa loob ng house pero ang pinagtataka namkn bawat magCcr kami syempre kahit dalawa yung shower room isa lang maliligo for privacy mo naren bumubukas yung kabilang shower tapos kapag papatyin mo namn yung sakabila sayo namn bubukas yung inuwanan mo, sa sobrang takot sa 3 days namin nag stay doon nagpunas-punas nalng ako sa kitchen kahit kasama pa namin sila Karen Reyes sa loob ng house. -share lang ?
15. Ian Serajem
Ayaw ko nang bumalik dito, nakakatakot! Nakarelate ako sa kwentong CR at Hallway nila. Yung tipong sa gabi kahit may ilaw sa CR hindi ka makuntento gagamitin mo pa yung flash ng cp mo, pero kulang pa rin para hindi ka kabahan dahil papasok ka pa lang pakiramdam mo sinusundan ka nang tingin (from the hallway) ng hindi mo katulad . At minsan madaling araw tulog pa mga kasama mo, nakarinig kang may naglalakad sa hallway, natuwa ka naman kasi may tao na sa labas, hindi na nakakatakot mag CR, pero paglabas mo wala palang tao. Weird talaga ang lugar na 'to pero pinili ko nlang manahimik dahil alam ko sasabihin lang nila "sadya ka lang talagang matatakutin." Pag uwi ko ng Antipolo apat na araw akong nagkasakit, hindi makakain ng maayos at laging nakahiga...siguro dahil na rin sa takot ko sa mga observations ko while staying at the Teachers Camp, Haunted Pala 'to?! ??? Ngayon ko lang nalaman.
16. Ann Bernadette Alora-Fabic
2008 the caretaker keeps on talkin to somebody, sinilip namin wala namang tao.... sabi ng prof namin na open ang third eye, may sumusunod daw sa amin, nakabantay at pinapaalis daw nung caretaker KALOKA!
17. Tala Encarnacion
Leadership training ng YMCA 1996 may mga kasama kami japanese students bawat group. Yung kasama namin si tomoyo. Susunduin namin sa room nya kz Filipiniana night para sabay sabay kami papuntang Great Hall. Tapos nakita namin sya lumabas ng cr from afar suot na ung Maria clara dress. So sinundan na lang namin sya kz mauuna sya makaratinf sa kwarto nya. Nakita namin sya pumasok ng kwarto mga 12 rooms away pa kami. Pagdating namin sa pinto ng room nila, sabi ng mga japanese delegates wala pa daw nasa cr pa. Sabi namin nakita na namim sya pumasok. Tapos biglang dumating si tomoyo nasa galig cr nakabathrobe pa. Yung maria clara dress nya nakita namin nakasabit pa sa kama nya. Tulala kami ng grupo lol tapos sa mga kwarto may kakatok makikita mo sa siwang sa ilalim ng pinto na may nakatayo sa labas ng pinto pero pagbukas mo walang tao. Mga gamit di mo mahanap biglang lilitaw sa ibabaw ng mesa. Unforgettable sakin tong lugar na toh!
18. Leslie Ann Narzo
Naalala ko nung pumunta kami dito, YMCA Camp kasi nun. Sa White Hall pa kami nilagay so pagpasok pa lang, takot na takot na kami. Unang gabi, nagkatuwaan yung mga kaybigan ko magpicture tapos after nun, zinozoom nila ung mga mukha tapos yung isang pic ng kasama namin sa room, may kasama syang shadow sa gilid ng babae na nakaside view tapos nakatingin sa camera. Dnilete agad nung friend ko ung pic sa sobrang takot, then nung kinabukasan naman sinubukan namin lumabas ng white hall para mag ikot ikot kasi hindi kami makatulog. Around 1am yun. Sobrang nakakatakot ung ambience yung parang feeling mo may sumusunod sayo. After nun, di na kami makabalik sa hallway buti nalang nakita namin ung schoolmate ko na nagjjoging tapos sinabay na nya kami pabalik. Kaso habang naglalakad kami, may nakita kaming rosaryo sa daan na nasa lupa lang. Hindi sya nahulog eh, kasi sobrang Ayos ng pagkakalagay nya. As in taena, ang creepy lang. Nung nakarating na kami sa hallway, nakita namin yung isa pa naming schoolmate from other room na, tumatakbo palapit samin. Tinanong nya kung pwede daw ba namin syang samahan, kasi narinig daw nya yung gripo sa cr sa kwarto nila, unti unting bumubukas hanggang sa bigla nalang lumakas ung tubig. ???
19. John Paul Ramos
Nung 1st time ko dito, may takot ako kasi sa mga naririnig ko na feed back. Then, may incident na hanap ako ng hanap ng power bank ko. Di ko talaga makita. Then sabi ng kasama ko wag mo hanapin lalabas yan. Then yun nga. Nakaramdam ako ng something
20. John Rey Carbon Cataros
Yung experience naman namin nung nagkaroon kami ng orientation for 3days . Nung mga unang araw namin wala naman . Sarap pa nga ng tulog ko . Tapos nakaka ihi pa ko ng madaling araw . Tapos nung last night na namin at kinabukasan uuwi na kami . Nagstart sila magtakutan . Tapos puro sila asaran . Ung magjojoke sila na kakatok sa pinto o kaya biglang uungol na nakakatakot . Tapos maya maya nakarinig na kami ng akyat baba sa hagdan . Tapos naglalakad sa hallway . As in ung mga yapak niya tunog nagdadabog . Akala ko nga sila lang nagtatakutan pero wala na palang tao sa labas . Dun na sila nagsimulang tumigil tapos pinagtabi tabi namin mga higaan . And one more thing . Ung mga kamo pati unan at kwarto style hospital room talaga . Ung mga kurtina that time kulay dark green na pang operating room . Tapos bawat kama may upuan na halatang pang bisita ng mga may sakit . Then Most of all ung nakaukit na parang lapida sa tapat ng building kung san kami nag stay . HOSPITAL .
21. Jessamine Flores Puno
Nakakatakot taLaga dito .. ? Grabe yung Experience ko sa Teachers Camp Last year .. Totoong nakakatakot ! I still remember yung pakiramdam na pag naglalakad ka sa Labas , parang may mga nakasunod sau na ewan .. tapos , di maipaliwanag na feeling.. ayoko lumingon lingon kase, madalas ako makakita ng kung anu ano. kaya, iniiwas ko lumingon sa Iba . then , ayun ! sleep time na . katatapos ng meeting nmin para sa BLS(BASIC LIFE SUPPORT) . Ayun nakatuLog na ako. grabe kakaiba yung Lamig na nafeel ko sa bed ! mula sa paa un lamig paakyat sa ulo ko.. umaakyat yung Lamig tas bigLang iinit .. lalamig biglang iinit . sa sobrang takot ko, ung tibok nalang ng puso ko naririnig ko. sobrang lakas ! pwede na ako maheart attack! parang gusto na lumabas ng puso ko sa dibdib ko.. suddenly dinilat ko ung mata ko . nakatakip ung kumot sa mukha ko. pero tang ina ! may nakita akong damit ng mga babae un pangkalumaan .. lumulutang ! lumilipad .. nagulat ako kaya pinikit ko nalang . at nag antay ng oras ng pag gising ! then nung narinig kong may mga gising na , Bumangon na ako.. napansin kong iba na pwesto ng higaan ko .. malayo na ung higaan ko sa bed ng katabi ko . nagtataka ako . bakit ganun ? eh nung bago kami natulog as in dikit un bed namin ?
22. Espie Biscocho
Dto kmi ng stay before pra sa educ.tour nmin nung college,2002 or 2003,sad to say,maniwala kau sa hindi ngkaroon ng saniban moment kmi dto at isa aq sa nasaniban,,1st nyt nmin,my paramdam lng,pero baliwala lng smin ung ng barkada,2nd nyt may party event kmi pero mas ginusto nmin mgstay sa kwarto pra mg happy happy,ngiinoman p kmi sa kwarto,dahil may mga nakatago kmi alak,tapos ngkakasayahan pa kmi,nung una may narining kmi ngtakbohan sa hallway,dahil kahoy ang sahig kaya rinig na rinig,tapos may kumatok sa kwarto nmin,binuksan nmin kc akala nmin kasamahan lng namin,pero wala tao,kya akala nmin pinagtritripan lng kmi,so happy happy uli,ng may kumatok uli,mdyo malakas,nainis kasama nmin kya binuksan nya ng makita nya wala tao,ngmura ung kasama nmin,tuloy ang happy,maya2,nakarinig na kmi ngkakagulo sa kabila kwarto,nung una ngwawala na prang umiiyak,tapos un na naninigas na tpos ngwawala sigaw n ng sigaw,tpos bgla sumakit ang ulo q at bumigat ang pakiramdam q na pra naghina ang mga tuhod q,sobra dami p ngyari,bsta masyado mahaba if details q lahat ng ngyari,bsta so creepy at d q malilimutan..
23. Charmaine Lalu Sagad
Naalala ko dito kame nag stay nung may seminar yung school namen. 3 days 2 nights. Grabe unang gabi namen di kame pinatulog. Ganto kasi yun, matutulog na sana kami ng biglang pumasok yung ibang classmate namen para kamustahin kame, and then nagkatakutan na tas yung isa kong cm8 biglang nag iiyak kasi daw may nakita sya sa may mirror na babaeng nakawhite tas duguan daw. Grabe nagulat ako nun tas naisipan namen mag pray para mawala na. Tas pag kaalis nung mga cm8 namen pinag dikit dikit nalang namen mga bed namen tas ayun dun na yung di kame makatulog kala ko ako lang nakakarinig lahat pala kami nakainig at di nakatulog kasi may pabalik balik na tumatakbo sa sahig haha, hindi naman pwedeng sa labas yun kasi semento yung labas ata yung sahig nung kwarto is kahoy hahahahhaa. Pinangalanan namen syang ann rose xD
24. Miamatutina Chabadan
Back in the year 2008, we had this Educ. Trip and one of the places we will be visiting is Bagiuo and guess what? We stayed there sa Teachers Camp. So to speak, us girls stayed jn a big room with 8 beds if i can clearly remember. What we did since we are all scared pinag dikit-dikit namin mga beds namin and everytime somebody wants to use the washroom we should always come in 3's. In the middle of the night its as if merong pumipihit ng shower knob and may nag open ng faucet at tumutulo literal ang water sa balde. We did a headcount and everybody is in their respective places. Dun na nagsimula ang sleepless nights namin. The next day we all looked like exhausted kasi pagod na sa byahe mukha pa kaming zombie dahil walang tulog. What an experience!
25. Christabell Cabanas Tirados
Nagstay kami dito last december kasama ko hubby ko bcoz of their radtech's yearly seminar.. nung ngstart n seminar nila nagpaiwan ako sa rum nmin, i forgot da name, tpos nabibingi tlga ako sa kthimikan kaya ngsounds ako gamit ang portable speaker, then nakaramdam ako na need to poo, so nagpunta ako cr, wala pa 2 mins, may sumipa ng door, so akala ko andun hubby ko or ka-roommate namin, sabi ko sandali lang, walang sumagot, then binuksan ko nlng gripo para marninig nila na may tao pa sa loob, nawala ung pkiramdam ko na may tao sa labas, pero ung pakiramdam ko sa llob ng cr parang lumaki ung ulo ko na namamanhid ktwan ko, so ngmamadali ako lumabas, den i found out na walang katao katao sa room, sa salas or sa kabilang room, sa sobrang takot ko tumakbo ako sa room at naupo sa sulok, ngtry ako contakin hubby ko para balika nya ko sa room at sunduin, ngtaka ako nawala ung sounds nung speaker ko, iniwan ko un nakaopen, tapos parang nasira xa, hanggang sa cp ko ayaw tumunog, walang kahit anong sounds na lumalabas, pero nkpagtxt ako, hanggang sa di ko na alam gagawin ko, bglang dating ng hubby ko, sumama nko sknya, nung ngkita kita kmi ng kawork nya na karoommate din nmin, xa din pla pinagbubuksan ng cr nung madaling araw n nag cr xa, pero wala naman ngbubukas sknya saaming mga kasama nya, di n kmi nakatagal pa dun, nung hapon nghanap kmi ibang hotel para sa ikakatahimik namin... ???
Your turn
Wow! You both made it this far! Now, please tell that white lady beside you not to stare at you while you're busy reading.
Did you have similar experiences with these people? Let us know.