Skip to main content »
Igorotage

May Kagitingan sa Bawat Suliranin para sa Kapwa at Bayan

Paano nga ba mapabilang sa mga tinatawag nating "Isang Magiting na Pilipino"?

Dambana ng Kagitingan, Mount Samat National Shrine, Bataan Ernie Penaredondo, 2019

Paano nga ba maging isang magiting na Pilipino? Paano nga ba tayo hihiranging magiting sa ating sariling mga pamamaraan? Paano nga ba mapabilang sa mga tinatawag nating "Isang Magiting na Pilipino"?

Sa pamamagitan ba ng pagbuwis ng buhay kahit na alam mong hindi sumusuporta ang mas nakararaming mamamayan sa iyong ipinaglalaban? Sa pagtatanggol ng karapatang pantao kahit na naapakan ang karapatan ng iba? Sa pakikipaglaban sa kasarinlan ng Pilipinas kahit na sa tingin ng nakararami ay maling pamamaraan?

Sa limang dekadang pakikipaglaban ng CPP-NPA-NDF laban sa ating gobyerno, masasabi ba natin na may naibigay silang magandang serbisyo para ipaglaban ang kanilang ipinaglalaban sa pamamagitan ng armadong pakikibaka? Matatawag ba nating isa itong kagitingan?

Ngayong Araw ng Kagitingan, sino-sino nga ba ang dapat bigyan ng pagpupugay dahil sa mga nagawa nilang kagitingan para sa bansang Pilipinas? Sa isang taong pakikipaglaban natin sab anta ng COVID-19, andyan an gating mga frontliners, mapa-medical man, sa kaayusan at iba pa, na walang sawang nagbibigay ng tulong at serbisyo sa anumang paraang alam nilang sila ay nakakatulong. Saludo pa rin ako sa inyo! Maraming Salamat po sa inyong serbisyo sa patuloy na pakikipaglaban sa COVID-19!

Ngunit sa kabilang banda, gusto ko ring saluduhan ang katapangan ng mga dating rebeldeng NPA na nagbalik-loob na at tinalikuran ang armadong pakikibaka. Hindi man sila maituturing na mga bayani dahil minsan ay nagging kalaban sila ng gobyerno ngunit ang naging desisyon nila na sumuko sa gobyerno ay matatawag kong kahanga-hanga at isang matapang na paraan dahil hindi naging madali ang kanilang ginawa. Dahil sa wakas ay napagtanto nilang walang saysay ang kanilang ipinaglalaban sa ilalim ng teroristang hukbong bayan.

At ngayon, bilang pagtubos sa mga maling Gawain o nagawa nila noong sila pa ay nasa kilusan ay isiniwalat nila ang katotohanang nagaganap sa loob ng kilusan. Sa kabila ng banta o panganib sa buhay nila kasama ang kanilang pamilya mula sa mga dating kasamahan nila sa kilusan ay pinili nilang lumantad sa publiko at bigyang kaalaman ang bawat Pilipino sa kung ano ang pwedeng mangyari sa kanila kapag sumampa na sila sa CPP-NPA-NDF.

Hindi man ito maituturing na kagitingan sa tingin ng nakararami ngunit para sa akin ay hanga pa rin ako sa katapangang ipinapakita nila. Sa katapangang harapin ang bawat pangungutya at pang-aalipusta ng iba dahil alam kong kaya nila ginagawa ito ay para maituwid ang kanilang pagkakamali at makabawi sa ating mga kababayan at panahon na para pagsilbihan ang bansang Pilipinas at hindi ang Partido Komunista na siyang sumisira sa kinabukasan ng Pilipinas.

Kaya sa mga natitira pang mga kababayan kong nasa kilusan, hindi pa huli ang lahat. Kung mabasa man ninyo ang aking sulat ay pwede pa kayong bumawi sa lahat ng mga pagkakamali ninyo at sa pamamagitan ng pagtalikod sa mapanirang ideolohiya ay maituturing na itong kagitingan para sa inyong mga sarili.


This article was shared with the Igorotage team by Robert M Marquez, from Lagangilang, Abra. You can contact him at robertmercadomarquez@gmail.com.

Do you also have stories to share with the Igorot community? You can publish them directly when you create an Igorotage account or you can drop it at our email address. Learn more on how to publish your content on Igorotage.


Sharing is caring, kailian!

We do hope you find something great in this story. If you find this helpful, please do share it with the people you care about.


Igorotage is a platform for people to share their thoughts and ideas. The views expressed on Igorotage are the opinions of the individual users, and do not necessarily reflect the views of Igorotage.

Comments

Sign in to share your thoughts. No account yet?

What to learn next?

You might also like to read more related articles filed under Opinion — or jump to a random article!

Opinion Surprise me

Mount Mogao of Tadian: Not Mount Clitoris

Mount Mogao of Tadian is much more than "Mount Clitoris." Uncover its real history and cultural significance.

10h ago · 5 min read

The Legend of Mount Mogao and the Enchanted Eels

Discover the legend of Mount Mogao and the enchanted eels, a tale of love, sacrifice, and transformation in Mountain Province folklore.

Nov 14 · 4 min read

Kaman-itil Falls (Vagina Falls): A Must-See in Suyo, Ilocos Sur

Explore Kaman-itil Falls (Vagina Falls) in Suyo, Ilocos Sur. A beautiful and historical spot for nature lovers and culture enthusiasts.

Nov 13 · 6 min read

Eduardo Masferre: The Igorot-Spanish Father of Philippine Photography

Discover the life and legacy of Eduardo Masferre, the Igorot-Spanish Father of Philippine Photography, who captured Igorot culture through his lens.

Oct 21 · 2 min read

Jereed Lou Tido Crowned Man Hot Star Philippines - Cordillera 2024

Jereed Lou Tido attended his girlfriend's burial in the morning and won Man Hot Star Philippines - Cordillera 2024 that evening.

Oct 1 · 6 min read

Rafael Manuel Jr: The Pioneering Igorot Music Producer in the Cordillera

Discover Rafael Manuel Jr, the pioneering Igorot music producer, and his impact on the Cordillera's vibrant music scene through VCDs.

Sep 26 · 3 min read

The Rise and Impact of Igorot Country Music VCDs in the Cordillera and Beyond

Learn about the rise of Igorot music VCDs in the Cordillera and their lasting impact on local culture and the country music scene.

Sep 26 · 5 min read

1LT Jerson P. Balagot: Igorot is Top 3 in Infantry Officer Advance Course

1LT Jerson Balagot, an Igorot from Benguet, ranked 3rd in the Philippine Army's Infantry Officer Advance Course CL184-2024.

Samuel L. Mendoza Jr.: The First Igorot Referee in the Philippine Football League

Samuel L. Mendoza Jr. made history as the first Igorot referee in the Philippine Football League (PFL), inspiring future athletes from the Cordillera.

Sep 21 · 4 min read

552nd Battalion: Best Engineer Battalion of the Year 2024 Led by LtCol Bucalen-Austria

The 552nd Battalion of the Philippine Army, led by LtCol Jessie Rose Bucalen-Austria, former Miss Kalinga, is named Best Engineer Battalion 2024.