Pinuri ni Senador Panfilo Lacson si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa liderato nito sa pag-instill ng disiplina sa kanyang mga nasasakupan sa gitna ng Enhanced Community Quarantine.
A leader who leads matters. This is how I knew Gen Magalong in the PNP; this is how he is as Baguio City mayor. That is what he will always be as a leader. pic.twitter.com/7hpXVgpkCI
- PING LACSON (@iampinglacson) May 3, 2020
Idinagdag din ng Senador sa kanyang tweet ang isang imahe ng mga residente ng Baguio City na nagsasagawa ng "social distancing" upang mas maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Nagtrabaho si Magalong sa ilalim ni Lacson sa Philippine National Police, na pinamunuan ni Lacson mula 1999 hanggang 2001.
Paulit-ulit na pinuri ni Lacson si Magalong dahil mas pinili nito ang integridad kaysa karera nang mag-ulat ito sa kanyang mga natuklasan sa 2015 Mamasapano Incident, kung saan nasawi ang 44 na myembro ng PNP Special Action Force.
13 sa mga nasawi ang mula sa rehiyon ng Cordillera.