Abstrak
Tinatalakay sa papel na ito ang papel ng museo: mga artefakt at liktao, bilang tagapag-tawid ng pambublikong kasaysayan, partikular sa mga etnolinggwistiko na grupo. Bukod sa mga babasahin, marami pang paraan para makapagambag sa pampubliko na kasaysayan, at isa na nga dito ay ang mga museo, ito ay ang pinaka sikat at karaniwang institusyon na itinatag upang turuan ang publiko tungkol sa kasaysayan ng mga etnolinggwistiko na grupo. Ang papel na ito ay pagbalik sa museo: mga artefakt at liktao, upang maunawaan ang ambag at mga pangangailangan ng mga ito bilang institusyon na nag tatawid ng kaalaman sa publiko, partikular na siniyasat ng papel ang mga piling museo sa Baguio. Hahatiin sa tatlong bahagi ang paglalahad: una Batas at Panuntunan na Sumasaklaw sa Pag-aaral ng mga Etnolinggwistiko na Grupo: pangalawa, Museolohiya, Liktao at Artefakt: at ikatlo, pagsisiyasat ng mga piling museo sa Baguio. Inaasahang sa pamamagitan ng paglalahad na ito, makapagbabalangkas ng mga ambag at pangangailangan ng isang etnograpikong museo.
Mga Susing Salita: Etnolonggwistiko na Grupo, Artefakt/Liktao, Museo, Museolohiya
Translation:
This research paper discusses the role of museo: artefakt at liktao, as instruments for the propagation of public history, in particular, of ethnolinguistic groups. Aside from the literatures and other readings, there are many other ways to contribute to public history and museums are one such example, the more famous and common institution established to educate the public about the history of ethnolinguistic groups. This paper specifically examined selected museums in Baguio city to understand the needs and contributions of museo: artefakt at liktao to the propagation of public knowledge as an institution. Furthermore, three themes will be discussed accordingly: first, Rules and Regulations in purview of the study of Ethnolinguistic Groups; secondly, the Museology, Liktao at Artifakt; and third, the survey of select museums in Baguio city. It is hoped that through this exposition, outlining the needs and contribution of an ethnographic museum will be possible.
Keywords: Ethnoligquistic Groups, Artefakt/Liktao, Museum, Museology