Sa isang public notice na nai-post ni Sadanga, Mountain Province Mayor Gabino P. Ganggangan sa Facebook, ipinaliwanag niya na ang kanilang munisipalidad ay hindi mag-a-avail sa mga food packs mula sa DSWD kahit na ang lockdown ay mapalawig.
Aniya, ipinaalam sa kanya ng kanilang MSWDO na ang ilang mga relief food pack na ipinadala ng DSWD ay pwede ng makuha sa tanggapan ng PDRRM sa Bontoc para sa mga LGU na maaaring humiling.
Gayunpaman, napagpasyahan niya at inutusan ang kanilang MSWDO na sabihing ang kanilang munisipalidad ay hindi mag-a-avail sa mga food pack na ito kahit tumgaal pa ang lockdown.
Ipinaliwanag pa niya na, hindi dahil wala silang mga mahihirap at nangangailangang mga pamilya, ngunit naniniwala siya na sila, bilang mga pamayanan ng mga tribo ay mayroon pa rin at dapat na mapanatili ang kanilang "built-in" at homegrown o katutubong panlipunang istruktura, mga values, at kasanayan ng pag-aalaga ng kani-kanilang kamag-anak, kapitbahay, o kailian sa mga panahong ganito na mahirap ang buhay o may krisis sa ekonomiya.
"It is during these kinds of economic hardships such as "food shortages", hunger and famine that the "richer or better of" ( kadangyans) among a clan or village are expected to aid their needy relatives by lending their surpluses. Should this crisis extend longer to the extent that our needy families really run out of their rice supplies, we shall mandate the kadangyans of every barangay to open up their rice granaries ( agamangs) to sustain us through to the next harvest season. I assure that no family shall go hungry in our municipality even during these hardtimes." sabi pa niya.
Idinagdag niya na, mas dapat tutukan ng pambansang gobyerno na pakainin ang higit na nangangailangang mga mahihirap na lungsod at ang mga hindi pa gaanong mayamang mga lugar, habang sinusustentohan naman nila ang kanilang munisipyo hangga't maaari.
Muli siyang humingi ng cooperasyon sa bawat isa na makipagtulungan sa kanila upang higit na maprotektahan ang kanilang munisipalidad mula sa Covid 19.
GOOD SAMARITANS: Cordillerans' Uplifting Kindness in the Midst of Unrest