The recipients are from 11 Countries and The Philippine awardee is from Balakbak, Kapangan, Benguet. Congratulations Mr Marcelo Otinguey. Well-deserved.
And kudos to all teachers out there who continue to fulfil their calling despite the difficult circumstances that confront us today.(Disclaimer: Below is a copy-paste version from DepEd Philippines FB page. Photos were grabbed from the same article)
#kapangan #balakbak #internationalaward #igorot #teachers #kankanaeypride #igorotpride #benguetpride #benguet
TINGNAN: Pandaigdigang pagpaparangal sa isang guro mula Benguet ng DepEd CAR ang isinagawa nitong Biyernes para sa kanyang angking galing at dedikasyon sa pagkamit ng mga tagumpay na nakapagbahagi sa kontribusyon sa edukasyon at human development.
Kabilang sa mga guro mula sa 11 na bansa sa Timog-Silangang Asya na nakatanggap ng 2021 Princess Maha Chakri Award si G. Marcelo Otinguey ng Pilipinas. Inilarawan niya na ang kanyang ginagawa sa buhay ay nakalaan para sa pagseserbisyo.
"I am doing what I do because life is a service. Living with this principle, I was able to organize different programs, projects, and activities in my school, and community. Only if we have the courage, we can make a difference," ani G. Otinguey.
Binigyang-diin naman ni Her Royal Highness Princess Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand ang kahusayan na ibinahagi ng guro ngayong ikaapat na pagpaparangal ng Princess Maha Chakri Awards nitong 2021.
"[Moreover], this celebration underlines the imminent role of teachers in society [amidst the challenges we face] in fostering the learning of students to ensure that learning never stops," dagdag ni Princess Sirindhorn.
Pinasalamatan ni G. Otinguey ang buong Kagawaran ng Edukasyon, katuwang ang International Cooperation Office (ICO) sa pangunguna ni Director Margarita Consolacion Ballesteros, Thailand Minister of Education Trinuch Thienthong, PMCA Foundation Chairman Dr. Krissanapong Kirtikara, Her Royal Highness Princess Maha Chakri Sirindhorn of Thailand, Royal Thai Embassy, at ang lahat ng nakiisa sa internasyonal na paggawad ng karangalan.
#SulongEduKalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo