Podcast: Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano
TAGALOG PODCAST UPDATE: Julius Caesar Part 5 (and other episodes)
IMPERYO ROMANO - JULIUS CAESAR
PART 5
59 BC
Sa taong 59 bago Kapanahunan (59 BC) ang Republica Romano ay nagkaroon ng kanyang "rebolusyon," simula ng panahon ng karahasan at digmaang sibil na siyang mamagbago sa pamahalaan mula sa pagiging republika tungo sa pagiging monarkiya.
Sa pagsama nina Julius Caesar at ni Marcus Calpurnius Bibulus na konsul sa pamunuang Romano, ito ang nagpanimula ng malaking pagpanibago ng kasaysayan ng Republika Roman. Hindi nakayanan ni Bibulus ang makisama sa pamunuan kay Caesar kaya nagbitiw siya sa tungkulin. Kaya sa halip na dalawa ang konsul na mamuno sa gobyerno, na siyang nakagawian, nagsolo si Caesar na nagpalakad ng opisyong ito ng isang taon.
Naporma ang unang Tatpuno na pinagsamahan nina Caesar, Pompey at Crassus - tatlong pinakamakapangyarihang katauhan sa Roma. Sa kanyang pagiging konsul, ito ang naging tulay na nahirang si Caesar na maging gobernador sa malayong Espanya. Ito ang nagbigay pagkakataon sa kanya upang mapalawak niya ang teritoryong Romano sa pamamagitan ng panlulusob sa mga katutubong mga naninirahan sa mga lugar sa Gaul.
Sinimulan ni Caesar ang kanyang termino bilang konsul sa pamamagitan ng pagsumite niya ng proposisyong batas - at ito ay ang pagbili ng lupa upang mapatiwalag at mabayaran ang mga sundalo ni Pompey na nanggaling sa kampanya sa Silangan sa kakaraang taon.
Ang ibang panig sa senado ay mga konserbatibong mga Optimates o mga tinawag na BONI. Ang grupong ito aypinamunuan ni Marcus Porcius Cato. bantog sa pagiging orador, may matibay na prinsipyo at matinding katapatan. Masugid itong tagasunod ng tradisyon at iginagalang siya dahil sa kanyang paniniwala.
Ang ginawa ng grupo ni Cato noong isinumite ni Caesar ang kanyang proposisyon ay - umalis sila sa senado upang hindi mapagpasyahan ang isinumite ni Caesar. Dinala ni Caesar ngayon ang proposisyong batas (bill) sa Kapulungan ng "comitia centuriata" na siyang naghihirang ng mga konsul, praetor at mga mahistrado (censors).
Ang kapulunang ito ay halos dating-sundalo lahat ang bumubuo...
.....Hindi nagpahanggang pagiging KONSUL ng pamahalaang Roma ang ambisyon ni Caesar. Pagkatapos niyang maglingkod na KONSUL sa nakaraang taon, siya'y hinirang na PROKUNSUL o GOBERNADOR NG GAUL at pumasok sa kanyang isipan ang manakop ng ibang lugar para idagdag sa teritoryo ng Roma...
Pakinggan ang podcast para sa kabuuan ng kabanata.
Subukan ang mga links na sumusunod o i-google ang "Kuwentong Pilipino, podcast, Norma Henness" para sa ibang podcast platform.
rss.com/podcasts/normahennessy/
www.radio-philippines.com/podcasts/kuwentong-pilipino-sa-tagalog-at-ilocano
www.boomplay.com/podcasts/23700




